34Nang mabalitaan ng mga Pariseo na walang magawa ang mga Saduceo kay Hesus, nagtipon silang muli at lumapit sa kanya.
35Ang isa sa kanila, na dalubhasa sa Kautusan, ay nagtanong kay Hesus para subukin siya,
36“Guro, ano po ba ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?”
37Sumagot si Hesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip.’
38Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat.