35Ang isa sa kanila, na dalubhasa sa Kautusan, ay nagtanong kay Hesus para subukin siya,
36“Guro, ano po ba ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?”
37Sumagot si Hesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong isip.’
38Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat.
39At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’