Mateo 22

“Pagkatapos, sinabi ng hari sa kanyang mga alipin, ‘Handa na ang salo-salo para sa kasal, ngunit hindi karapat-dapat pumunta ang aking mga naimbitahan.

Matthew 22:8 (UKJV) Then says he to his servants, The wedding is ready, but they which were bidden were not worthy.

6Ang iba namaʼy sinunggaban ang mga alipin ng hari, hiniya, at pinatay.

7Kaya galit na galit ang hari sa ginawa nilang ito. Sinugo niya ang kanyang mga sundalo para patayin ang mga pumatay sa kanyang mga alipin at sunugin ang lungsod ng mga ito.

8“Pagkatapos, sinabi ng hari sa kanyang mga alipin, ‘Handa na ang salo-salo para sa kasal, ngunit hindi karapat-dapat pumunta ang aking mga naimbitahan.

9Pumunta na lang kayo sa mga pangunahing lansangan, at imbitahan ninyo ang lahat ng inyong makita.’

10Pumunta nga sa mga lansangan ang mga alipin at inimbitahan ang lahat ng nakita nila, masama man o mabuti. Kaya napuno ng mga panauhin ang pinagdarausan ng handaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.