Mateo 22

Pumunta nga sa mga lansangan ang mga alipin at inimbitahan ang lahat ng nakita nila, masama man o mabuti. Kaya napuno ng mga panauhin ang pinagdarausan ng handaan.

Matthew 22:10 (UKJV) So those servants went out into the highways, and gathered together all as many as they found, both bad and good: and the wedding was furnished with guest.

8“Pagkatapos, sinabi ng hari sa kanyang mga alipin, ‘Handa na ang salo-salo para sa kasal, ngunit hindi karapat-dapat pumunta ang aking mga naimbitahan.

9Pumunta na lang kayo sa mga pangunahing lansangan, at imbitahan ninyo ang lahat ng inyong makita.’

10Pumunta nga sa mga lansangan ang mga alipin at inimbitahan ang lahat ng nakita nila, masama man o mabuti. Kaya napuno ng mga panauhin ang pinagdarausan ng handaan.

11“Nang pumasok ang hari para tingnan ang mga bisita, nakita niya ang isang lalaking hindi nakabihis ng akma para sa kasalan.

12Kaya tinanong niya ang lalaki, ‘Kaibigan, bakit pumasok ka rito nang hindi nakabihis ng akma para sa kasalan?’ Ngunit hindi nakasagot ang lalaki.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.