Mateo 22

“Nang pumasok ang hari para tingnan ang mga bisita, nakita niya ang isang lalaking hindi nakabihis ng akma para sa kasalan.

Matthew 22:11 (UKJV) And when the king came in to see the guest, he saw there a man which had not on a wedding garment:

9Pumunta na lang kayo sa mga pangunahing lansangan, at imbitahan ninyo ang lahat ng inyong makita.’

10Pumunta nga sa mga lansangan ang mga alipin at inimbitahan ang lahat ng nakita nila, masama man o mabuti. Kaya napuno ng mga panauhin ang pinagdarausan ng handaan.

11“Nang pumasok ang hari para tingnan ang mga bisita, nakita niya ang isang lalaking hindi nakabihis ng akma para sa kasalan.

12Kaya tinanong niya ang lalaki, ‘Kaibigan, bakit pumasok ka rito nang hindi nakabihis ng akma para sa kasalan?’ Ngunit hindi nakasagot ang lalaki.

13“Kaya sinabi ng hari sa kanyang mga alipin, ‘Itali ninyo ang mga kamay at paa niya at itapon sa labas, doon sa kadiliman siyaʼy tatangis at magngangalit ang kanyang ngipin.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.