Mateo 22

Kaya tinanong niya ang lalaki, ‘Kaibigan, bakit pumasok ka rito nang hindi nakabihis ng akma para sa kasalan?’ Ngunit hindi nakasagot ang lalaki.

Matthew 22:12 (UKJV) And he says unto him, Friend, how came you in here not having a wedding garment? And he was speechless.

10Pumunta nga sa mga lansangan ang mga alipin at inimbitahan ang lahat ng nakita nila, masama man o mabuti. Kaya napuno ng mga panauhin ang pinagdarausan ng handaan.

11“Nang pumasok ang hari para tingnan ang mga bisita, nakita niya ang isang lalaking hindi nakabihis ng akma para sa kasalan.

12Kaya tinanong niya ang lalaki, ‘Kaibigan, bakit pumasok ka rito nang hindi nakabihis ng akma para sa kasalan?’ Ngunit hindi nakasagot ang lalaki.

13“Kaya sinabi ng hari sa kanyang mga alipin, ‘Itali ninyo ang mga kamay at paa niya at itapon sa labas, doon sa kadiliman siyaʼy tatangis at magngangalit ang kanyang ngipin.’

14“Marami ang tinatawag ng Diyos, ngunit kakaunti ang pinili.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.