Mateo 23

“Ang lahat ng ginagawa nila ay pakitang-tao lang. Nilalakihan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang laylayan ng kanilang mga damit.

Matthew 23:5 (UKJV) But all their works they do in order to be seen of men: they make broad their phylacteries, and enlarge the borders of their garments,

3Kaya dapat ninyong pakinggan at sundin ang lahat ng itinuturo nila sa inyo. Ngunit huwag ninyong gayahin ang mga ginagawa nila dahil hindi nila ginagawa ang mga itinuturo nila.

4Ipinapatupad nila sa inyo ang napakabibigat nilang kautusan, ngunit sila mismo ay ayaw man lang kayong tulungan kahit na kaunti.

5“Ang lahat ng ginagawa nila ay pakitang-tao lang. Nilalakihan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang laylayan ng kanilang mga damit.

6Mahilig silang umupo sa mga upuang pandangal sa mga handaan at mga sinagoga.

7At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar at tawaging ‘Rabbi’.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.