5“Ang lahat ng ginagawa nila ay pakitang-tao lang. Nilalakihan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang laylayan ng kanilang mga damit.
6Mahilig silang umupo sa mga upuang pandangal sa mga handaan at mga sinagoga.
7At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar at tawaging ‘Rabbi’.
8“Ngunit huwag kayong magpatawag na ‘Rabbi’ dahil lahat kayoʼy magkakapatid at iisa lang ang inyong Guro.
9At huwag ninyong tawaging ‘Ama’ ang sinuman dito sa lupa, dahil iisa lang ang inyong Ama, ang Amang nasa langit.