Mateo 23

“Ngunit huwag kayong magpatawag na ‘Rabbi’ dahil lahat kayoʼy magkakapatid at iisa lang ang inyong Guro.

Matthew 23:8 (UKJV) But be not all of you called Rabbi: for one is your Master, even Christ; and all you are brethren.

6Mahilig silang umupo sa mga upuang pandangal sa mga handaan at mga sinagoga.

7At gustong-gusto nilang batiin silaʼt igalang sa mga mataong lugar at tawaging ‘Rabbi’.

8“Ngunit huwag kayong magpatawag na ‘Rabbi’ dahil lahat kayoʼy magkakapatid at iisa lang ang inyong Guro.

9At huwag ninyong tawaging ‘Ama’ ang sinuman dito sa lupa, dahil iisa lang ang inyong Ama, ang Amang nasa langit.

10Huwag din kayong magpatawag na tagapagturo dahil iisa lang ang inyong Tagapagturo, walang iba kundi ang Mesias.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.