11Lilitaw ang maraming bulaang propeta at marami ang ililigaw nila.
12Lalaganap ang kasamaan, at dahil dito, manlalamig ang pag-ibig ng marami.
13Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas.
14Ipapangaral sa buong mundo ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos upang malaman ito ng lahat ng tao, at saka darating ang katapusan.
15“At makikita ninyong magaganap ang sinabi ni propeta Daniel tungkol sa kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pag-iwan sa Banal na Lugar. (Kayong mga bumabasa, unawain ninyo itong mabuti!) Kapag nakita na ninyong nasa loob na ito ng banal na lugar,