Mateo 24

Sapagkat ang Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag mula sa silangan hanggang sa kanluran.

Matthew 24:27 (UKJV) For as the lightning comes out of the east, and shines even unto the west; so shall also the coming of the Son of man be.

25Tandaan ninyo ang mga ito! Binibigyan ko na kayo ng babala habang hindi pa nangyayari ang mga ito.

26“Kaya kung may magsabi sa inyo, ‘Naroon ang Mesias sa ilang!’ huwag kayong pupunta roon. At kung may magsabing, ‘Nariyan siya sa silid!’ huwag kayong maniniwala.

27Sapagkat ang Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag mula sa silangan hanggang sa kanluran.

28May kasabihan, ‘Kung saan may bangkay, doon nag-uumpukan ang mga buwitre.’

29“Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, ‘magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan, at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga kapangyarihan sa kalawakan ay mayayanig.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.