Mateo 24

“Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, ‘magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan, at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga kapangyarihan sa kalawakan ay mayayanig.’

Matthew 24:29 (UKJV) Immediately after the tribulation of those days shall the sun be darkened, and the moon shall not give her light, and the stars shall fall from heaven, and the powers of the heavens shall be shaken:

27Sapagkat ang Anak ng Tao ay babalik na tulad ng kidlat na nagliliwanag mula sa silangan hanggang sa kanluran.

28May kasabihan, ‘Kung saan may bangkay, doon nag-uumpukan ang mga buwitre.’

29“Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan, ‘magdidilim ang araw, hindi na magliliwanag ang buwan, at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit. Ang mga kapangyarihan sa kalawakan ay mayayanig.’

30“Pagkatapos, makikita sa langit ang tanda ng kanyang pagbabalik, at maghihinagpis ang lahat ng tao sa mundo dahil dito. At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian.

31Sa malakas na tunog ng trumpeta ay ipapadala niya ang kanyang mga anghel sa lahat ng lugar sa mundo upang tipunin ang kanyang mga pinili.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.