11“Maya-mayaʼy dumating na ang limang mangmang na dalaga at nagsisigaw, ‘Panginoon, panginoon! Papasukin nʼyo po kami.’
12“Ngunit sumagot ang lalaki, ‘Hindi ko kayo kilala.’
13“Kaya magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng aking pagbabalik.
14“Ang Kaharian ng Langit ay maihahalintulad sa kuwentong ito: May isang taong papunta sa malayong lugar. Kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian.
15Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kani-kanilang kakayahang magnegosyo. Binigyan niya ang isa ng limang libong salaping ginto, ang isa naman ay dalawang libong salaping ginto, at ang isa pa ay isang libong salaping ginto. Pagkatapos ay umalis na siya.