Mateo 25

“Ang Kaharian ng Langit ay maihahalintulad sa kuwentong ito: May isang taong papunta sa malayong lugar. Kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian.

Matthew 25:14 (UKJV) For the kingdom of heaven is as a man travelling into a far country, who called his own servants, and delivered unto them his goods.

12“Ngunit sumagot ang lalaki, ‘Hindi ko kayo kilala.’

13“Kaya magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng aking pagbabalik.

14“Ang Kaharian ng Langit ay maihahalintulad sa kuwentong ito: May isang taong papunta sa malayong lugar. Kaya tinawag niya ang kanyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kanyang ari-arian.

15Binigyan niya ang bawat isa ayon sa kani-kanilang kakayahang magnegosyo. Binigyan niya ang isa ng limang libong salaping ginto, ang isa naman ay dalawang libong salaping ginto, at ang isa pa ay isang libong salaping ginto. Pagkatapos ay umalis na siya.

16Ang alipin na binigyan ng limang libo ay kaagad na umalis at ginamit sa negosyo ang pera. At tumubo siya ng limang libo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.