Mateo 25

“Lumapit din ang alipin na binigyan ng isang libo at sinabi sa kanyang amo, ‘Alam ko pong mabagsik kayo at walang awa. Inaani ninyo ang hindi ninyo itinanim, at kinukuha ninyo ang pinaghirapan ng iba.

Matthew 25:24 (UKJV) Then he which had received the one talent came and said, Lord, I knew you that you are an hard man, reaping where you have not sown, and gathering where you have not scattered:

22“Pagkatapos, lumapit naman ang alipin na binigyan ng dalawang libo at sinabi niya, ‘Panginoon, heto po ang dalawang libo na ibinigay nʼyo sa akin, at ang karagdagang dalawang libo na tinubo ko.’

23“Sumagot ang kanyang amo: ‘Magaling! Isa kang mabuti at tapat na alipin! At dahil naging matapat ka sa kakaunting ipinagkatiwala sa iyo, ipapamahala ko sa iyo ang mas malaki pang halaga. Halikaʼt makibahagi rin sa aking kaligayahan!’

24“Lumapit din ang alipin na binigyan ng isang libo at sinabi sa kanyang amo, ‘Alam ko pong mabagsik kayo at walang awa. Inaani ninyo ang hindi ninyo itinanim, at kinukuha ninyo ang pinaghirapan ng iba.

25Natakot po ako kaya ibinaon ko ang pera nʼyo sa lupa. Heto po ang isang libo na ibinigay nʼyo sa akin.’

26“Sumagot ang kanyang amo, ‘Masamá at tamad na alipin! Alam mo palang inaani ko ang hindi ko itinanim, at kinukuha ko ang pinaghirapan ng iba.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.