Mateo 25

Titipunin niya sa kanyang harapan ang lahat ng lahi sa mundo. Pagbubukud-bukurin niya sila, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at kambing.

Matthew 25:32 (UKJV) And before him shall be gathered all nations: and he shall separate them one from another, as a shepherd divides his sheep from the goats:

30Itapon ninyo ang walang silbing alipin na ʼyan sa labas, doon sa kadiliman kung saan siyaʼy tatangis at magngangalit ang kanyang ngipin.’

31“Kapag ang Anak ng Tao ay dumating na bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang dakilang trono.

32Titipunin niya sa kanyang harapan ang lahat ng lahi sa mundo. Pagbubukud-bukurin niya sila, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at kambing.

33Ang mga tupa ay ilalagay niya sa kanyang kanan, at ang mga kambing, sa kanyang kaliwa.

34“Pagkatapos, ang Hari ay magsasabi sa mga tao sa kanyang kanan, ‘Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Tanggapin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang mundo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.