Mateo 25

“Pagkatapos, ang Hari ay magsasabi sa mga tao sa kanyang kanan, ‘Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Tanggapin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang mundo.

Matthew 25:34 (UKJV) Then shall the King say unto them on his right hand, Come, all of you blessed of my Father, inherit the kingdom prepared for you from the foundation of the world:

32Titipunin niya sa kanyang harapan ang lahat ng lahi sa mundo. Pagbubukud-bukurin niya sila, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at kambing.

33Ang mga tupa ay ilalagay niya sa kanyang kanan, at ang mga kambing, sa kanyang kaliwa.

34“Pagkatapos, ang Hari ay magsasabi sa mga tao sa kanyang kanan, ‘Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Tanggapin ninyo ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang mundo.

35Sapagkat nang nagutom ako ay pinakain ninyo ako, at nang nauhaw ako ay pinainom ninyo. Nang naging dayuhan ako ay pinatuloy ninyo ako sa inyong tahanan,

36at nang wala akong maisuot ay binihisan ninyo ako. Nang may sakit ako ay inalagaan ninyo ako, at nang nasa kulungan ako ay dinalaw ninyo ako.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.