Mateo 25

“At sasagot ang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nʼyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, ginawa ninyo ito para sa akin.’

Matthew 25:40 (UKJV) And the King shall answer and say unto them, Verily I say unto you, Inasmuch as all of you have done it unto one of the least of these my brethren, all of you have done it unto me.

38Kailan namin kayo nakitang naging dayuhan at aming pinatuloy o walang maisuot at aming binihisan?

39Kailan namin kayo nakitang may sakit o nasa kulungan at aming binisita?’

40“At sasagot ang Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nʼyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, ginawa ninyo ito para sa akin.’

41“Pagkatapos, sasabihin naman ng Hari sa kanyang kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, kayong mga isinumpa ng Diyos! Doon kayo sa walang katapusang apoy na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon na mga anghel.

42Sapagkat nang nagutom ako ay hindi nʼyo ako pinakain, at nang nauhaw ako ay hindi nʼyo ako pinainom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.