19Sinunod nila ang utos ni Hesus, at inihanda nila roon ang hapunan para sa Pista.
20Kinagabihan, naghapunan si Hesus at ang kanyang labindalawang alagad.
21Habang kumakain sila, sinabi ni Hesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo ang totoo, ang isa sa inyo ay magkakanulo sa akin.”
22Nalungkot sila nang marinig iyon, at isa-isa silang nagtanong sa kanya, “Panginoon, hindi po ako iyon, di po ba?”
23Sumagot siya, “Ang kasabay kong magsasawsaw ng tinapay sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin.