25Nagtanong din si Judas na siyang magkakanulo sa kanya, “Rabbi, ako po ba iyon?” Sumagot si Hesus, “Ikaw na ang nagsabi.”
26Habang kumakain sila, kumuha si Hesus ng tinapay. Nagpasalamat siya sa Diyos at pagkatapos ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa mga alagad niya. Sinabi niya, “Kunin ninyo at kainin; ito ang aking katawan.”
27Kumuha siya ng kopang may alak, nagpasalamat sa Diyos, at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Uminom kayong lahat nito,
28dahil ito ang aking dugo na ibubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng maraming tao. Katibayan ito ng bagong kasunduan ng Diyos sa mga tao.
29Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng kaharian ng aking Ama. At sa araw na iyon, iinom ako ng bagong uri ng inumin kasama ninyo sa kaharian ng aking Ama.”