2“Alam nʼyo na dalawang araw na lang at sasapit na ang Pista ng Paglampas ng Anghel, at ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga taong kumokontra sa kanya para ipako sa krus.”
3Sa mga oras na iyon, ang mga namamahalang pari at ang mga pinuno ng mga Hudyo ay nagpupulong sa palasyo ni Caifas na punong pari.
4Pinagplanuhan nila kung paano dadakpin si Hesus nang hindi nalalaman ng mga tao, at pagkatapos ay ipapapatay.
5Sinabi nila, “Huwag nating gawin sa pista dahil baka magkagulo ang mga tao.”
6Habang si Hesus ay nasa Betania, sa bahay ni Simon na dating may malubhang sakit sa balat,