Mateo 26

“Alam nʼyo na dalawang araw na lang at sasapit na ang Pista ng Paglampas ng Anghel, at ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga taong kumokontra sa kanya para ipako sa krus.”

Matthew 26:2 (UKJV) All of you know that after two days is the feast of the passover, and the Son of man is betrayed to be crucified.

1Pagkatapos ipangaral ni Hesus ang lahat nang ito, sinabi niya sa kanyang mga alagad,

2“Alam nʼyo na dalawang araw na lang at sasapit na ang Pista ng Paglampas ng Anghel, at ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga taong kumokontra sa kanya para ipako sa krus.”

3Sa mga oras na iyon, ang mga namamahalang pari at ang mga pinuno ng mga Hudyo ay nagpupulong sa palasyo ni Caifas na punong pari.

4Pinagplanuhan nila kung paano dadakpin si Hesus nang hindi nalalaman ng mga tao, at pagkatapos ay ipapapatay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.