56Ngunit nangyari ang lahat ng ito para matupad ang isinulat ng mga propeta.” Iniwan siya noon din ng mga alagad niya at nagsitakas sila.
57Dinala si Hesus ng mga dumakip sa kanya sa bahay ng punong pari na si Caifas. Doon ay nagkatipon-tipon ang mga tagapagturo ng Kautusan at ang mga pinuno ng mga Hudyo.
58Sumunod din si Pedro doon, ngunit malayo-layo siya kay Hesus. Pumasok siya sa bakuran ng punong pari at nakiupo sa mga guwardiya para malaman kung ano ang mangyayari kay Hesus.
59Doon sa loob, ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Sanhedrin ay nagsisikap na makakuha ng mga ebidensya kahit hindi totoo laban kay Hesus upang mahatulan siya ng kamatayan.
60Ngunit wala silang nakuha, kahit marami pa ang lumapit at sumaksi ng kasinungalingan. Nang bandang huli, may dalawang lalaking lumapit