70Ngunit itinanggi ito ni Pedro sa harap ng mga tao. Sinabi niya, “Hindi ko alam ang mga sinasabi mo.”
71Kaya pumunta si Pedro sa may labasan, at isa pang utusang babae ang nakakita sa kanya at sinabi sa mga tao roon, “Ang taong iyan ay kasama ni Hesus na taga-Nazaret.”
72Muli itong itinanggi ni Pedro at sinabi, “Sumpa man, hindi ko kilala ang taong iyan!”
73Maya-maya, nilapitan si Pedro ng iba pang naroon at sinabi, “Isa ka nga sa mga kasamahan ni Hesus, dahil halata sa pagsasalita mo.”
74Sumagot si Pedro, “Sumusumpa akong kahit parusahan pa ako ng Diyos, hindi ko kilala ang taong ʼyan!” Noon din ay tumilaok ang manok,