Mateo 27

Sinabi nila, “Natatandaan po namin na noong buháy pa ang mapagpanggap na iyon, sinabi niya, ‘Pagkatapos ng tatlong araw mabubuhay akong muli.’

Matthew 27:63 (UKJV) Saying, Sir, we remember that that deceiver said, while he was yet alive, After three days I will rise again.

61Si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay naroon at nakaupo sa tapat ng libingan.

62Kinabukasan, pagkatapos ng Araw ng Paghahanda, pumunta ang mga namamahalang pari at ang mga Pariseo kay Pilato.

63Sinabi nila, “Natatandaan po namin na noong buháy pa ang mapagpanggap na iyon, sinabi niya, ‘Pagkatapos ng tatlong araw mabubuhay akong muli.’

64Kaya mabuti sigurong pabantayan po ninyo ang kanyang libingan sa mga susunod na araw, dahil baka nakawin ng mga alagad niya ang kanyang bangkay at ipamalitang nabuhay siya. Kapag nangyari ito, mas magiging masahol pa ang pandarayang ito kaysa noong una.”

65Sumagot si Pilato sa kanila, “May mga guwardiya kayo. Kayo na ang magpabantay ng husto ayon sa abot ng inyong makakaya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.