Mateo 27

Kaya mabuti sigurong pabantayan po ninyo ang kanyang libingan sa mga susunod na araw, dahil baka nakawin ng mga alagad niya ang kanyang bangkay at ipamalitang nabuhay siya. Kapag nangyari ito, mas magiging masahol pa ang pandarayang ito kaysa noong una.”

Matthew 27:64 (UKJV) Command therefore that the tomb be made sure until the third day, lest his disciples come by night, and steal him away, and say unto the people, He has risen from the dead: so the last error shall be worse than the first.

62Kinabukasan, pagkatapos ng Araw ng Paghahanda, pumunta ang mga namamahalang pari at ang mga Pariseo kay Pilato.

63Sinabi nila, “Natatandaan po namin na noong buháy pa ang mapagpanggap na iyon, sinabi niya, ‘Pagkatapos ng tatlong araw mabubuhay akong muli.’

64Kaya mabuti sigurong pabantayan po ninyo ang kanyang libingan sa mga susunod na araw, dahil baka nakawin ng mga alagad niya ang kanyang bangkay at ipamalitang nabuhay siya. Kapag nangyari ito, mas magiging masahol pa ang pandarayang ito kaysa noong una.”

65Sumagot si Pilato sa kanila, “May mga guwardiya kayo. Kayo na ang magpabantay ng husto ayon sa abot ng inyong makakaya.”

66Kaya pumunta sila sa libingan, at tinatakan nila ang batong nakatakip sa libingan upang malaman nila kung may nagbukas, at nag-iwan sila roon ng ilang mga bantay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.