Mateo 28

Habang nasa daan pa ang mga babae, pumasok sa lungsod ang ilan sa mga guwardiya para ibalita sa mga namamahalang pari ang nangyari.

Matthew 28:11 (UKJV) Now when they were going, behold, some of the watch came into the city, and showed unto the chief priests all the things that were done.

9Ngunit habang tumatakbo sila, bigla silang sinalubong ni Hesus sa daan at binati. Lumapit sila kay Hesus, niyakap ang kanyang mga paa at sinamba siya.

10Sinabi sa kanila ni Hesus, “Huwag kayong matakot. Puntahan ninyo ang aking mga kapatid at sabihin sa kanila na pumunta sila sa Galilea, at doon makikita nila ako.”

11Habang nasa daan pa ang mga babae, pumasok sa lungsod ang ilan sa mga guwardiya para ibalita sa mga namamahalang pari ang nangyari.

12Matapos makipagpulong ng mga namamahalang pari sa mga pinuno ng mga Hudyo, napagdesisyunan nilang suhulan ng malaking halaga ang mga bantay.

13Sinabi nila sa mga bantay, “Ipamalita ninyo na habang natutulog kayo kagabi, dumating ang mga alagad ni Hesus at ninakaw ang kanyang bangkay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.