Mateo 28

Sinabi nila sa mga bantay, “Ipamalita ninyo na habang natutulog kayo kagabi, dumating ang mga alagad ni Hesus at ninakaw ang kanyang bangkay.

Matthew 28:13 (UKJV) Saying, Say all of you, His disciples came by night, and stole him away while we slept.

11Habang nasa daan pa ang mga babae, pumasok sa lungsod ang ilan sa mga guwardiya para ibalita sa mga namamahalang pari ang nangyari.

12Matapos makipagpulong ng mga namamahalang pari sa mga pinuno ng mga Hudyo, napagdesisyunan nilang suhulan ng malaking halaga ang mga bantay.

13Sinabi nila sa mga bantay, “Ipamalita ninyo na habang natutulog kayo kagabi, dumating ang mga alagad ni Hesus at ninakaw ang kanyang bangkay.

14Kapag narinig ito ng gobernador, kami na ang bahalang magpaliwanag sa kanya, upang hindi kayo mapahamak.”

15Tinanggap ng mga guwardiya ang pera at ginawa ang mga ibinilin sa kanila. Kaya hanggang ngayon, ito pa rin ang kuwentong ikinakalat ng mga Hudyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.