Mateo 28

Biglang lumindol nang malakas, dahil isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit at iginulong ang batong nakatakip sa libingan at inupuan ito.

Matthew 28:2 (UKJV) And, behold, there was a great earthquake: for the angel of the Lord descended from heaven, and came and rolled back the stone from the door, and sat upon it.

1Pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga, sa madaling-araw ng Linggo, pumunta sa libingan si Maria Magdalena kasama ang isa pang Maria para tingnan ito.

2Biglang lumindol nang malakas, dahil isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit at iginulong ang batong nakatakip sa libingan at inupuan ito.

3Nakakasilaw na parang liwanag ng kidlat ang kanyang anyo at puting-puti ang kanyang damit.

4Nanginig sa takot ang mga sundalong nagbabantay nang makita ang anghel at silaʼy nabuwal na parang mga patay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.