1Pagkatapos ng Araw ng Pamamahinga, sa madaling-araw ng Linggo, pumunta sa libingan si Maria Magdalena kasama ang isa pang Maria para tingnan ito.
2Biglang lumindol nang malakas, dahil isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit at iginulong ang batong nakatakip sa libingan at inupuan ito.
3Nakakasilaw na parang liwanag ng kidlat ang kanyang anyo at puting-puti ang kanyang damit.
4Nanginig sa takot ang mga sundalong nagbabantay nang makita ang anghel at silaʼy nabuwal na parang mga patay.
5Sinabi ng anghel sa mga babae, “Huwag kayong matakot! Alam kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus.