Mateo 3

Nang mga araw na iyon, dumating sa ilang ng Judea si Juan na Tagapagbautismo para mangaral.

Matthew 3:1 (UKJV) In those days came John the Baptist, preaching in the wilderness of Judaea,

1Nang mga araw na iyon, dumating sa ilang ng Judea si Juan na Tagapagbautismo para mangaral.

2Sabi niya, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan, dahil malapit na ang paghahari ng Langit.”

3Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya: “May sumisigaw sa ilang na nagsasabi, ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon, tuwirin ninyo ang landas na kanyang lalakaran.’ ”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.