Mateo 3

Sabi niya, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan, dahil malapit na ang paghahari ng Langit.”

Matthew 3:2 (UKJV) And saying, Repent all of you: for the kingdom of heaven is at hand.

1Nang mga araw na iyon, dumating sa ilang ng Judea si Juan na Tagapagbautismo para mangaral.

2Sabi niya, “Magsisi kayo at talikuran ang inyong mga kasalanan, dahil malapit na ang paghahari ng Langit.”

3Si Juan ang tinutukoy ni Propeta Isaias nang sabihin niya: “May sumisigaw sa ilang na nagsasabi, ‘Ihanda ninyo ang daan para sa Panginoon, tuwirin ninyo ang landas na kanyang lalakaran.’ ”

4Ang damit ni Juan ay gawa sa balahibo ng kamelyo at ang sinturon niyaʼy gawa sa balat ng hayop. Ang pagkain niya ay balang at pulot-pukyutan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.