Mateo 3

Ngayon pa lang ay nakaamba na ang palakol na puputol sa ugat ng mga puno. Ang mga punong hindi namumunga ng mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy.

Matthew 3:10 (UKJV) And now also the axe is laid unto the root of the trees: therefore every tree which brings not forth good fruit is hewn down, and cast into the fire.

8Kung totoong nagsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo sa inyong mga gawa.

9Huwag ninyong isipin na dahil ninuno ninyo si Abraham ay hindi kayo mapaparusahan. Sapagkat sinasabi ko sa inyo: Makakalikha ang Diyos ng mga anak ni Abraham kahit sa mga batong ito.

10Ngayon pa lang ay nakaamba na ang palakol na puputol sa ugat ng mga puno. Ang mga punong hindi namumunga ng mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy.

11“Binabautismuhan ko kayo sa tubig, bilang tanda ng pagsisisi at pagtalikod ninyo sa inyong mga kasalanan. Ngunit may darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit ang magdala ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at apoy.

12Tulad siya ng isang taong nagtatahip para ihiwalay ang ipa sa butil ng trigo. Titipunin niya ang mga butil sa kamalig, ngunit ang ipa ay susunugin niya sa apoy na kailanmaʼy hindi mamamatay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.