Mateo 3

Huwag ninyong isipin na dahil ninuno ninyo si Abraham ay hindi kayo mapaparusahan. Sapagkat sinasabi ko sa inyo: Makakalikha ang Diyos ng mga anak ni Abraham kahit sa mga batong ito.

Matthew 3:9 (UKJV) And think not to say within yourselves, We have Abraham to our father: for I say unto you, that God is able of these stones to raise up children unto Abraham.

7Ngunit nang makita ni Juan na maraming Pariseo at Saduceo ang dumarating para magpabautismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino namang nagsabi sa inyo na makakatakas kayo sa darating na parusa ng Diyos?

8Kung totoong nagsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo sa inyong mga gawa.

9Huwag ninyong isipin na dahil ninuno ninyo si Abraham ay hindi kayo mapaparusahan. Sapagkat sinasabi ko sa inyo: Makakalikha ang Diyos ng mga anak ni Abraham kahit sa mga batong ito.

10Ngayon pa lang ay nakaamba na ang palakol na puputol sa ugat ng mga puno. Ang mga punong hindi namumunga ng mabuti ay puputulin at itatapon sa apoy.

11“Binabautismuhan ko kayo sa tubig, bilang tanda ng pagsisisi at pagtalikod ninyo sa inyong mga kasalanan. Ngunit may darating na kasunod ko na mas makapangyarihan kaysa sa akin. Kahit ang magdala ng kanyang sandalyas ay hindi ako karapat-dapat. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at apoy.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.