Mateo 3

Ngunit nang makita ni Juan na maraming Pariseo at Saduceo ang dumarating para magpabautismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino namang nagsabi sa inyo na makakatakas kayo sa darating na parusa ng Diyos?

Matthew 3:7 (UKJV) But when he saw many of the Pharisees and Sadducees come to his baptism, he said unto them, O generation of vipers, who has warned you to flee from the wrath to come?

5Pinupuntahan siya ng maraming tao mula sa Jerusalem at sa buong lalawigan ng Judea, at sa lahat ng lugar sa paligid ng Ilog Jordan.

6Ipinagtatapat nila ang kanilang mga kasalanan at silaʼy binabautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan.

7Ngunit nang makita ni Juan na maraming Pariseo at Saduceo ang dumarating para magpabautismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino namang nagsabi sa inyo na makakatakas kayo sa darating na parusa ng Diyos?

8Kung totoong nagsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, patunayan ninyo sa inyong mga gawa.

9Huwag ninyong isipin na dahil ninuno ninyo si Abraham ay hindi kayo mapaparusahan. Sapagkat sinasabi ko sa inyo: Makakalikha ang Diyos ng mga anak ni Abraham kahit sa mga batong ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.