Mateo 3

Ngunit sumagot si Hesus, “Hayaan mong mangyari ito sa ngayon. Ito ang nararapat nating gawin para isakatuparan ang kalooban ng Diyos.” Kaya pumayag si Juan na bautismuhan siya.

Matthew 3:15 (UKJV) And Jesus answering said unto him, Suffer it to be so now: for thus it becomes us to fulfill all righteousness. Then he suffered him.

13Mula sa Galilea, pinuntahan ni Hesus si Juan sa Ilog Jordan para magpabautismo.

14Ngunit tumanggi si Juan at sinabi, “Bakit ikaw ang magpapabautismo sa akin? Ako dapat ang magpabautismo sa iyo.”

15Ngunit sumagot si Hesus, “Hayaan mong mangyari ito sa ngayon. Ito ang nararapat nating gawin para isakatuparan ang kalooban ng Diyos.” Kaya pumayag si Juan na bautismuhan siya.

16Pagkatapos niyang mabautismuhan, umahon si Hesus sa tubig. Sa sandaling iyon, nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na parang isang kalapating bumababa hanggang sa dumapo ito sa kanya.

17At may boses na narinig mula sa langit na nagsasabing, “Ito ang minamahal kong Anak. Lubos ko siyang kinalulugdan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.