Mateo 3

Pagkatapos niyang mabautismuhan, umahon si Hesus sa tubig. Sa sandaling iyon, nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na parang isang kalapating bumababa hanggang sa dumapo ito sa kanya.

Matthew 3:16 (UKJV) And Jesus, when he was baptized, went up immediately out of the water: and, lo, the heavens were opened unto him, and he saw the Spirit of God descending like a dove, and lighting upon him:

14Ngunit tumanggi si Juan at sinabi, “Bakit ikaw ang magpapabautismo sa akin? Ako dapat ang magpabautismo sa iyo.”

15Ngunit sumagot si Hesus, “Hayaan mong mangyari ito sa ngayon. Ito ang nararapat nating gawin para isakatuparan ang kalooban ng Diyos.” Kaya pumayag si Juan na bautismuhan siya.

16Pagkatapos niyang mabautismuhan, umahon si Hesus sa tubig. Sa sandaling iyon, nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na parang isang kalapating bumababa hanggang sa dumapo ito sa kanya.

17At may boses na narinig mula sa langit na nagsasabing, “Ito ang minamahal kong Anak. Lubos ko siyang kinalulugdan.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.