14Sa ganitong paraan ay natupad ang sinabi ni Propeta Isaias:
15“Ang mga lupain ng Zebulun at Neftali, sa baybayin ng lawa, sa kabila ng Ilog Jordan, Galilea ng mga Hentil,
16ang mga taong nabubuhay sa kadiliman ay nakakita ng matinding kaliwanagan. At kahit silaʼy nananahan sa lilim ng kamatayan, sila ay maliliwanagan.”
17Mula nooʼy nagsimulang mangaral si Hesus, “Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos, dahil malapit nang dumating ang kaharian ng Langit.”
18Habang naglalakad si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea, nakita niya ang magkapatid na sina Simon (na tinatawag ding Pedro) at Andres. Naghahagis sila ng lambat sa lawa sapagkat silaʼy mga mangingisda.