Mateo 4

Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay.”

Matthew 4:3 (UKJV) And when the tempter came to him, he said, If you be the Son of God, command that these stones be made bread.

1Pagkatapos nito, dinala ng Espiritu si Hesus sa ilang para tuksuhin ng diyablo.

2Doon ay nag-ayuno si Hesus nang apatnapung araw at apatnapung gabi, kaya nagutom siya.

3Dumating ang manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang Anak ng Diyos, utusan mo ang mga batong ito na maging tinapay.”

4Ngunit sumagot si Hesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Diyos.’”

5Pagkatapos, dinala siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na lungsod, at pinatayo sa pinakatuktok ng Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.