Mateo 5

Ngunit sinasabi ko sa inyo na kung mangangako kayo, huwag kayong susumpa. Huwag ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ dahil naroon ang trono ng Diyos,

Matthew 5:34 (UKJV) But I say unto you, Swear not at all; neither by heaven; for it is God's throne:

32Ngunit sinasabi ko sa inyo na kapag hiniwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan maliban sa seksuwal na imoralidad, siya na rin ang nagtulak sa kanyang asawa na mangalunya kapag nag-asawa itong muli. At ang sinumang mag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.

33“Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Huwag mong sirain ang iyong pangako, sa halip ay tuparin mo ang iyong sinumpaang panata sa Panginoon.’

34Ngunit sinasabi ko sa inyo na kung mangangako kayo, huwag kayong susumpa. Huwag ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ dahil naroon ang trono ng Diyos,

35o ‘Saksi ko ang lupa,’ dahil ito ang tuntungan ng kanyang paa, o ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ dahil ito ang lungsod ng dakilang hari.

36At huwag din ninyong sasabihing, ‘Mamatay man ako!’ dahil ni isang hibla ng buhok sa inyong ulo ay hindi ninyo kayang paputiin o paitimin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.