31“Sinabi rin, ‘Kung nais ng isang lalaki na hiwalayan ang kanyang asawa, kinakailangang bigyan niya ito ng kasulatan ng paghihiwalay.’
32Ngunit sinasabi ko sa inyo na kapag hiniwalayan ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan maliban sa seksuwal na imoralidad, siya na rin ang nagtulak sa kanyang asawa na mangalunya kapag nag-asawa itong muli. At ang sinumang mag-asawa ng babaeng hiniwalayan ay nagkasala rin ng pangangalunya.
33“Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Huwag mong sirain ang iyong pangako, sa halip ay tuparin mo ang iyong sinumpaang panata sa Panginoon.’
34Ngunit sinasabi ko sa inyo na kung mangangako kayo, huwag kayong susumpa. Huwag ninyong sasabihing, ‘Saksi ko ang langit,’ dahil naroon ang trono ng Diyos,
35o ‘Saksi ko ang lupa,’ dahil ito ang tuntungan ng kanyang paa, o ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ dahil ito ang lungsod ng dakilang hari.