Mateo 5

Sabihin ninyong ‘Oo’ kung oo, at ‘Hindi’ kung hindi; anumang higit pa rito ay galing na sa masama.

Matthew 5:37 (UKJV) But let your communication be, Yea, yea; Nay, nay: for whatsoever is more than these comes of evil.

35o ‘Saksi ko ang lupa,’ dahil ito ang tuntungan ng kanyang paa, o ‘Saksi ko ang Jerusalem,’ dahil ito ang lungsod ng dakilang hari.

36At huwag din ninyong sasabihing, ‘Mamatay man ako!’ dahil ni isang hibla ng buhok sa inyong ulo ay hindi ninyo kayang paputiin o paitimin.

37Sabihin ninyong ‘Oo’ kung oo, at ‘Hindi’ kung hindi; anumang higit pa rito ay galing na sa masama.

38“Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Mata sa mata, ngipin sa ngipin.’

39Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong lumaban sa masamang tao. Kung sampalin ka niya sa kanang pisngi, iharap mo pa ang kaliwa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.