Mateo 5

Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong lumaban sa masamang tao. Kung sampalin ka niya sa kanang pisngi, iharap mo pa ang kaliwa.

Matthew 5:39 (UKJV) But I say unto you, That all of you resist not evil: but whosoever shall strike you on your right cheek, turn to him the other also.

37Sabihin ninyong ‘Oo’ kung oo, at ‘Hindi’ kung hindi; anumang higit pa rito ay galing na sa masama.

38“Narinig din ninyong sinabi noon sa ating mga ninuno, ‘Mata sa mata, ngipin sa ngipin.’

39Ngunit sinasabi ko sa inyo, huwag kayong lumaban sa masamang tao. Kung sampalin ka niya sa kanang pisngi, iharap mo pa ang kaliwa.

40Kung ihabla ka ng sinuman at kunin ang iyong damit, ibigay mo na rin pati ang iyong balabal.

41Kung may pipilit saʼyo na pasanin ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.