4Pinagpala ang mga naghihinagpis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.
5Pinagpala ang mga taong mapagpakumbaba, sapagkat sila ang magmamana sa buong daigdig.
6Pinagpala ang mga taong labis na naghahangad na tuparin ang kalooban ng Diyos, sapagkat silaʼy masisiyahan.
7Pinagpala ang mga taong mahabagin, sapagkat kahahabagan din sila ng Diyos.
8Pinagpala ang mga taong may busilak na kalooban sapagkat makikita nila ang Diyos.