5Pinagpala ang mga taong mapagpakumbaba, sapagkat sila ang magmamana sa buong daigdig.
6Pinagpala ang mga taong labis na naghahangad na tuparin ang kalooban ng Diyos, sapagkat silaʼy masisiyahan.
7Pinagpala ang mga taong mahabagin, sapagkat kahahabagan din sila ng Diyos.
8Pinagpala ang mga taong may busilak na kalooban sapagkat makikita nila ang Diyos.
9Pinagpala ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan, sapagkat ituturing silang mga anak ng Diyos.