8Huwag nʼyo silang gayahin, dahil alam na ng inyong Ama kung ano ang kailangan ninyo bago pa man kayo humingi.
9“Kaya manalangin kayo ng katulad nito: ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang inyong ngalan.
10Dumating nawa ang inyong kaharian, at sundin nawa ang inyong kalooban dito sa lupa katulad ng sa langit.
11Bigyan nʼyo kami ng aming pagkain sa araw-araw,
12at patawarin nʼyo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.