15“Mag-ingat kayo sa mga bulaang propeta. Lumalapit sila sa inyo na parang maaamong tupa, ngunit ang totoo, tulad sila ng mababagsik na lobo.
16Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Sapagkat hindi napipitas ang ubas sa dawagan o naaani ang igos sa matitinik na halaman.
17Gayundin naman, ang mabuting puno ay namumunga ng mabuti, at ang masamang puno ay namumunga ng masama.
18Hindi namumunga ng masama ang mabuting puno, at hindi rin namumunga ng mabuti ang masamang puno.
19Ang bawat punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy.