Mateo 7

Ang bawat punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy.

Matthew 7:19 (UKJV) Every tree that brings not forth good fruit is hewn down, and cast into the fire.

17Gayundin naman, ang mabuting puno ay namumunga ng mabuti, at ang masamang puno ay namumunga ng masama.

18Hindi namumunga ng masama ang mabuting puno, at hindi rin namumunga ng mabuti ang masamang puno.

19Ang bawat punong hindi namumunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy.

20Kaya nga, makikilala ninyo ang mga bulaang propeta sa kanilang mga gawa.

21“Hindi lahat ng tumatawag sa akin ng, ‘Panginoon, Panginoon’ ay makakapasok sa kaharian ng Langit, kundi iyon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.