Mateo 8

Ginawa niya ang mga ito para matupad ang sinabi ni Propeta Isaias: “Kinuha niya ang ating mga kahinaan at pinasan ang ating mga karamdaman.”

Matthew 8:17 (UKJV) That it might be fulfilled which was spoken by Isaiah the prophet, saying, Himself took our infirmities, and bare our sicknesses.

15Hinawakan siya ni Hesus sa kamay at nawala ang lagnat nito. Bumangon siya at pinagsilbihan si Hesus.

16Nang magtakip-silim na, maraming mga sinasapian ng mga demonyo ang dinala kay Hesus. At sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng maysakit.

17Ginawa niya ang mga ito para matupad ang sinabi ni Propeta Isaias: “Kinuha niya ang ating mga kahinaan at pinasan ang ating mga karamdaman.”

18Nang makita ni Hesus ang napakaraming taong nakapaligid sa kanya, sinabihan niya ang kanyang mga alagad na pupunta sila sa kabilang ibayo ng lawa.

19May lumapit sa kanyang tagapagturo ng Kautusan at sinabi, “Guro, susunod po ako sa inyo kahit saan kayo magpunta.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.