Mateo 8

May lumapit sa kanyang tagapagturo ng Kautusan at sinabi, “Guro, susunod po ako sa inyo kahit saan kayo magpunta.”

Matthew 8:19 (UKJV) And a certain scribe came, and said unto him, Master, I will follow you anywhere you go.

17Ginawa niya ang mga ito para matupad ang sinabi ni Propeta Isaias: “Kinuha niya ang ating mga kahinaan at pinasan ang ating mga karamdaman.”

18Nang makita ni Hesus ang napakaraming taong nakapaligid sa kanya, sinabihan niya ang kanyang mga alagad na pupunta sila sa kabilang ibayo ng lawa.

19May lumapit sa kanyang tagapagturo ng Kautusan at sinabi, “Guro, susunod po ako sa inyo kahit saan kayo magpunta.”

20Sumagot si Hesus, “Ang mga asong-gubat ay may mga lungga, at ang mga ibon ay may mga pugad, subalit ang Anak ng Tao ay walang tahanang mapagpapahingahan.”

21Isa pa sa mga alagad niya ang nagsabi, “Panginoon, hayaan nʼyo muna akong umuwi para ilibing ang aking ama.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.